Ukraine nagdeklara ng Martial Law bunsod ng pag-atake ng Russia

Ukraine nagdeklara ng Martial Law bunsod ng pag-atake ng Russia

Inanunsyo ng Presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ang pagpataw ng batas militar sa buong bansa matapos pumasok sa Ukrainian border ang hukbo ng Russia at manghimasok sa kapital na Kyiv nitong Huwebes, Pebrero 24, 2022. 

Inihayag sa telebisyon ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia noong Miyerkules na magsasagawa ang Russia ng operasyong militar na naglalayon ng demilitarisasyon at denazification ng Ukraine bilang tugon sa mga banta mula sa Ukraine.

Habang nagsasalita si Putin, narinig ang malalaking pagsabog sa Kyiv, Kharkiv at iba pang mga lugar sa Ukraine.

“Explosions were heard in many cities of Ukraine. We are declaring martial law across the country,” anya ni Zelensky.

Sa isang pahayag noong Huwebes ng umaga, inihayag ng Russian Defense Ministry na gumagamit ito ng “high-precision weapons” upang baldahin ang mga air defense system, mga militar na paliparan, at mga hukbong panghimpapawid sa Ukraine.

“Today each of you should keep calm. Stay at home if you can… No panic. We are strong. We are ready for everything. We will win over everybody because we are Ukraine,” paalala ng Pangulong Zelensky.

Binalaan naman ni Putin ang ibang mga bansa na ang anumang pagtatangkang makagambala sa aksyon ng Russia ay hahantong sa “mga kahihinatnan na hindi pa nakita kailanman.”

Niño Ricofrelle Dannug

Niño Ricofrelle Dannug

Editorial/Opinion Editor

Leave a Reply

Your email address will not be published.